TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
ISNAYP (isnayp.blogspot.com)
ISNAYP (isnayp.blogspot.com)
Payahag ng Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon

CELSO MINGUEZ COMMAND
BAGONG HUKBONG BAYAN-SORSOGON

10 NOBYEMBRE 2009


TAKTIKAL NA OPENSIBA, SAGOT SA PAGPAPATINDI NG MILITARISASYON
SA KANAYUNAN SA BALANGKAS NG OPLAN BANTAY LAYA 2
AT SA PATULOY NA PAMIMINSALA NG AFP-PNP SA MGA INOSENTENG SIBILYAN


KAHAPON, IKA-9 NG NOBYEMBRE 2009, DAKONG ALAS 11:00 NG UMAGA, SA SITIO PINARADAN, BGY. CALOMAGON, BULAN MATAGUMPAY NA NAILUNSAD ANG ISANG AMBUS LABAN SA MGA ELEMENTO NG 509TH PPMG NA NAKABASE SA BGY AQUINO, BULAN. Sinimulan ang ambus ng isang malakas na pagsabog ng command detonated na bomba. Agad na napuruhan ang sasakyan ng 509th PPMG lulan ang mga abusadong pulis.

Nasawi sa nasabing ambus ang notoryoso at sagadsaring kontra-rebolusyonaryong si SPO1 Johnson Gerola at tatlong iba pa na sina Police Inspector Jerson De Leon na siyang Deputy Group Commander, SPO4 Darwin Ditohito at Ryan Padrique. Sugatan din sa nasabing ambus sina PO1 Franz Guamos, PO1 Allan Lanuza at PO1 Baldano. Mabilis namang tumalilis sa labanan ang isang pulis. Si Gerola ay may mahaba nang listahan ng utang na dugo sa masa at sa rebolusyonaryong kilusan. Nakumpiska ng mga mandirigma ng Celso Minguez Command ang tatlong M16, dalawang cal. 45, at iba pang gamit militar. Isang kasama naman ang namartir sa nasabing opensiba.

Ang mga taktikal na opensiba tulad ng ambus, snipe, harras at iba pang tipo ng operasyong militar ang makatarungang sagot sa tumitinding militarisasyon sa kanayunan kung saan mga inosenteng sibilyan ang karaniwang biktima. Hindi matitigil ang madugong labanan na ito hangga’t patuloy na nagpapakatuta ang rehimeng Arroyo sa dikta ng imperyalismong US lalo na sa marahas na kampanya nito sa kontra-insurhensiya, ang OPLAN BANTAY LAYA 2.

Sa balangkas ng OPLAN BANTAY LAYA 2, higit na pinatindi ang militarisasyon sa Kabikolan, partikular sa Albay, Camarines Sur at Sorsogon, na may pangunahing layuning durugin ang rebolusyonaryong pwersa sa mga probinsyang ito sa katapusan ng termino ni Arroyo sa 2010. Kaya nagkukumahog ang mga berdugo ng rehimeng US-Arroyo sa AFP, PNP at National Security Council sa todo-todong pananalakay sa kanayunan na nagreresulta sa ibat-ibang tipo ng paglabag sa karapatang-pantao na nakatutok ang matinding bira, hindi lang sa mga kasama, kundi sa mga inosenteng sibilyan.

Kamakailan lang, dalawang magsasaka ng Maalo, Juban ang dinukot ng mga sundalo ng AFP at sinampahan ng gawa-gawang kaso. Nitong petsa 8, isang tricycle driver sa Bgy. Cogon, Gubat ang pinaslang ng isang intel ng militar at operatiba ng death squad.

Patuloy kaming nananawagan sa mamamayang Sorsoganon na ubos-kaya nating labanan at biguin ang Oplan Bantay Laya 2 ng pasistang rehimeng US-Arroyo. Itakwil at huwag nating hahayaang muling makabalik sa kapangyarihan ang lahat ng mga alipores, tuta at kasapakat ng kinamumuhiang peke at mandarambong na rehimen upang hindi na natin sapitin ang labis-labis na kalupitan, kaapihan at kahirapan.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!


Ka Samuel Guerrero
Tagapagsalita

November 18, 2009 | 2:11 AM Comments  0 comments

Tags:
You must be logged in to add tags.


ISNAYP Media's Profile

ISNAYP Media's Friends


Latest Posts
NPA 42nd Anniversary...
9th ID Torture Video
Hukbo ng Masa Video-Tula
Sa Kagalingan ng Masa...
Sa Kagalingan ng Masa

Monthly Archive
April 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
December 2008
November 2009
January 2010
February 2010
December 2010
January 2011
March 2011
April 2011

Change Language


Tags Archive
blogbabble diary-of-seminar-architecture-of-youth-participation doinggoodwork globalideas informationtechnology innovation&creativity map ngos people socialenterprise sustainability urbanisation web2.0

Filter By Type
Travel
Topics

Friends
DOMINADOR DATAHAN MAGARIN
hekatea


21434 views
Important Disclaimer